Enjoying your free trial? Only 9 days left! Upgrade Now
Brand-New
Dashboard lnterface
ln the Making
We are proud to announce that we are developing a fresh new dashboard interface to improve user experience.
We invite you to preview our new dashboard and have a try. Some features will become unavailable, but they will be added in the future.
Don't hesitate to try it out as it's easy to switch back to the interface you're used to.
No, try later
Go to new dashboard
Published on Sep 02,2021
Like
Share
Download
Create a Flipbook Now
Read more
Published on Sep 02,2021
AFA_GRADE4_MODULE1_Q2_W1 Read More
Home Explore AFA_GRADE4_MODULE1_Q2_W1
Publications:
Followers:
Follow
Publications
Read Text Version
More from mercy.jugado
P:01

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Agrikultura Ikalawang Markahan Unang Linggo MGA KASANAYAN AT KAALAMAN SA PAGTATANIM NG HALAMANG ORNAMENTAL BILANG ISANG PAGKAKAKITAANG GAWAIN Panimula Ang mga halaman ay bahagi ng ating kalikasang kaloob ng Maykapal. Dapat natin itong alagaan, pahalagahan at pagyamanin. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang kawili-wili at nakalilibang na gawain na maaaring mapagkakitaan ng pamilya at ng pamayanan. Mga Kasanayang Pagkatuto EPP4 AG-Oa-1 Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang Ornamental sa masistemang pamamaraan. Layunin Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain. Balikan Natin Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Internet Computer Smartphone ICT Komunikasyon Network ___________ 1. Electronic device na ginagamit upang mas mabilis maka pagproseso ng datos o impormasyon. ____________ 2. Isang malawak na ugnayan ng computer network na maaring gamitin ng publiko sa buong mundo. ___________ 3. Tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng teknolohiya, gaya ng radyo, telebisyon, smatphone, telepono, computer at internet. 1

P:02

___________ 4. Halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba ng simpleng mobile phone. ___________ 5. Napapabilis ito sa tulong ng ICT. Unawain Natin Ano nga ba ang halamang ornamental? Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Pamilyar ba kayo sa mga halaman na ito? Madalas itong makita sa ating kapaligiran. Ang halamang ornamental ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan, paaralan, hotel, restaurant, parke at mga lansangan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang halamang bulaklakin, halamang baging, halamang palumpong, halamang hindi namumulaklak at mga halamang medisinal. Mas magiging maayos at mapalamuti ang iyong bakuran kung may kaalaman ang gagawa ng simpleng landscape gardening. Una, alamin muna ang anyo ng lupang taniman, kung sakaling hindi maganda ang dating mga tanim, maaaring dagdagan ng lupang mataba o 2

P:03

anumang organikong bagay na maaring ihalo. Hindi lalago nang maayos ang mga pananim kapag tuyo, matigas at bitak-bitak ang lupa. Ganito rin ang mangyayari kapag malagkit at sobrang basa ang lupa. May dalawang paraan ng pagtatanim ng halamang ornamental. Ito ay maaaring itanim sa pamamagitan ng buto o kaya naman sa pamamagitan ng sanga. Binababad muna ang buto sa tubig ng isang gabi bago itanim sa lupa. Kung sanga naman ang gagamitin pumutol ng magulang na sanga, tanggalan ng balat at itusok ito sa lupa. Pinapatubo muna ang mga halaman sa lupa bago ilipat sa paso. May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa tahanan at pamayanan. Kabilang dito ang kalagayan ng lugar, silbi ng halaman sa kapaligiran, kaangkupan sa panahon at kalagayan ng lupang taniman. Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa na pagtataniman ay tuyo, bitakbitak, matigas at sobrang basa? Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitakbitak nararapat na haluan ito ng mga organikong mga bagay tulad ng mga nabubulok (decomposed) na mga halaman tulad ng dayami, tinabas na damo, mga tuyong dahon mga at mga dumi ng hayop upang maging mabuhaghag ang lupang taniman. Kapag malagkit at sobrang basa, haluan din ito ng compost upang lumuwag ang lupa. Ano-anong kasangkapan ang gagamitin upang maayos ang lugar na pagtataniman? Asarol at piko ang ginagamit upang bungkalin ang lupa. Tanggalan ng mga bato at matitigas na bagay ang lupang taniman habang nagbubungkal. Kapag nabungkal na ang lupang taniman lagyan ito ng organikong pataba at patagin gamit ang kalaykay. Pagkatapos mabungkal at mapatag ang lupang taniman, maaari na itong taniman ng mga halamang ornamental. Paano natin mapagkakakitaan ang halamang ornamental? Ang halamang ornamental ay mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbibenta lalo na ang mga uring namumulaklak. Ipinagbibili ito nang nakapaso, dosena, bugkos o tali at tankay. Kapag ito ay palumpon ipinagbibili ito na nakapaso. 3

P:04

Narito ang ilang mga halimbawa ng halamang ornamental: 1. Halamang-dahon Ito ay mga halamang hindi namumulaklak ngunit may magagandang dahon. Karaniwang itinatanim ito sa harapan ng bahay. Maaring itanim din ito sa paso at gamiting palamuti sa loob ng bahay. Ang halimbawa nito ay San Francisco, pako, five fingers, at iba pa. 2. Halamang-namumulaklak Kabilang dito ang mga halaman na itinatanim dahil sa makukulay nilang bulaklak at mababangong halimuyak. Ang halimbawa nito ay ang rosas, kamya, sitsirika, bougainvilla, dapo, marisol at iba pa. 4

P:05

3. Halamang-palumpon Ito ay mga halaman na mayroong matitigas na sanga na maaaring gamiting pambakod. Ang ibang halamang-palumpon ay namumulaklak din. Ang halimbawa nito ay gumamela, adelfa, rosal, santan, sampaguita, at iba pa. 4.Halamang-baging Ito ay mga halaman na gumagapang tulad ng kampanilya, niyug-niyogan, kadena de amor, at iba pa. Ang mga ito ay nagbibigay kulay sa bakod at pader ng bahay. Nakita mo ba ang mga larawan na nasa ibaba? Ang mga ito ay halimbawa ng kung paano ipinagbibili ang mga halaman. Maaari ninyo ring maibenta nang mas mahal kung nakapaso. 5

P:06

Ilapat Natin Punan ng tamang sagot ang kahon sa ibaba. Magpatulong sa magulang kung hindi lubos na maunawaan ang gawain. Pangalan ng Uri ng halamang Lugar kung Paraan ng halamang ornamental saan dapat pagtatanim/pag- ornamental itanim aalaga Fortune Plant Mapalumpon(Shrub) Maaraw- Buto/sanga lupa/Paso San Francisco madahon Lupa Sanga Santan Sanga Gumamela palumpon Baging Rosas Sampaguita Mapalumpon(Shrub) Paso/kahoy Suriin Natin Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag at MALI kung hindi wasto. __________ 1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakakatulong dagdagkita sa pamilya. __________ 2. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay may dalawang paraan ito ay sa pamamagitan ng buto at sanga. __________ 3 Ang halamang palumpon ay isang uri ng ornamental plants na malambot ang sanga. __________ 4. Ang halamang baging mga halaman na gumagapang tulad ng kampanilya, niyug-niyogan, kadena de amor, at iba pa. Ang mga ito ay nagbibigay kulay sa bakod at pader ng bahay? __________ 5. Ang rosas ay halimbawa ng bulaklaking halamang ornamental. 6

P:07

Likhain Natin Magdikit o gumuhit ng mga larawan sa short bond paper ng mga halamang ornamental na makikita mo sa inyong bahay o sa paligid. Isulat kung paano ito nakatutulong sa iyo, sa iyong pamilya, paligid at sa pamayanan. Gumamit ng internet sa pangangalap ng impormasyon at mga larawan. Maaari nyo ring gamitin ang inyong mga camera para kumuha ng aktwal na larawan o selfie. Mag-ingat sa pag-iikot sa paligid sundin ang safety protocol para maiwasang mahawa ng covid- 19. Rubriks sa Paggawa Pamantayan Puntos 54321 1. Angkop ang mensahe sa tema 2. Nakasunod nang maayos sa direksiyon 3. Malinis at maayos ang pagkakagawa 4. Malikhain Kabuuang Puntos Pagpapakahulugan: 9 – 6 Mahusay-husay 20 – 15 Napakahusay 5 – 1 Kailangan pang magsana 14 – 10 Mahusay 7

P:08

Pagtataya Sagutin ang mga sumusnod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. ______ 1. Anong kasangkapan ang angkop na gamitin sa paghahanda ng tamang taniman? a. dulos at regadera c. itak at timba b. pala at asarol d. paso at lata _______2. Sa pagtatanim ng halamang ornamental ay may dalawang paraan. Sa anong paraan itinatanim ang Sun Flower? a. buto c. talbos b. sanga d. ugat _______3. Paano ipinagbibili ang halamang bulaklakin ng maramihan? a. isang tangkay c. nakatali b. nakapaso d. nakabasket _______4. Sa anong paraan tinatanim ang San Francisco? a. sa pamamagitan ng sanga c. sa pamamagitan ng buto b. sa pamamagitan ng ugat d. sa pamamagitan ng talbos _______5. Anong uri ng halamang ornamental ang gumamela? a. Halamang-palumpon c. halamang-baging b. Halamang-dahon d. halamang-ugat 8

Create a Flipbook Now
Explore more