Anda di halaman 1dari 10

PAKINABANG SA PAGTATANIM

NG HALAMANG ORNAMENTAL
EPP GRADE 4 – S.G.YABUT
Bakit tayo nagtatanim ng mga
halamang ornamental?
May makukuha ba tayong
kapakinabangan mula dito?
Ano ang naitutulong ng pagtatanim
ng mga halamang ornamental sa
pamilya at pamayanan?
Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha –
kumakapit ang mga ugat ng mga punong
ornamental sa lupang taniman kaya nakakaiwas
sa landslide o pagguho ng lupa. Ang mga
punong ornamental ay nakatutulong din sa pag-
ingat sa pagbaha dahil sa tulong ng mga ugat
nito.
2. Naiiwasan ang polusyon – sa gamit ng mga
halaman/ punong ornamental, nakakaiwas sa
polusyon ang pamayanan sa maruruming
hangin na nagmumula sa mga usok ng
sasakyan, sinigaang basura, masasamang
amoy na kung saan nalilinis ang hangin na
ating nilalanghap.
3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin – may mga
matataas at mayayabong na halamang
ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine
tree, fire tree, at marami pang iba na maaaring
itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar na
puwedeng masilungan ng mga tao. Bukod pa rito
sinasala pa ng mga punong ito ang maruruming
hangin sanhi ng usok ng tambutso, pagsusunog at
napapalitan ng malinis na oksiheno (oxygen) na
siya nating nilalanghap.
4. Napagkakakitaan – maaaring maibenta ang
mga halamang ornamental na hindi naitanim o
magpunla o magtanim sa paso sa mga itim na
plastik bag o lata ng mga halamang ornamental
na puwedeng ibenta. Ito ay nagiging pera para
panustos sa pang araw-araw na gastusin.
5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran – sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel,
mall, at iba pang lugar, ito ay nakatatawag ng
pansin sa mga dumadaan na tao lalo na kung
ang mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak.
Sagutan kung Tama o Mali ang sumusunod na
pangungusap:
1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay
nakatutulong sa pagbibigay ng malinis na hangin.
2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot
na mabuti sa pamilya at ibang tao sa pamayanan.
3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang
ornamental.
4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan
ang pagtatanim ng mga halamang ornamental.
5. Walang pakinabang na nakukuha ang pamahalaan
sa pagtatanim ng ornamental plant.
Gawaing Bahay:
Gumawa ng album, larawan man o sanaysay, na
tumutugon sa pakinabang na dulot ng pagtatanim
ng mga halamang ornamental sa pamilya at
pamayanan.

Anda mungkin juga menyukai